Home > Uncategorized > Sinaunang Bato, Sinaunang Tao

Sinaunang Bato, Sinaunang Tao

Isa sa nakakatuwang karanasan ko dito sa KTC site ay ang makahukay ng batong hinulma ng mga sinaunang tao o ang mas kilala bilang “stone adze”. Nitong byernes lang, naatasan akong maghukay sa Trench B, sa bahaging hilagang-silangang parte kung saan aking napagtanto ang batong ito. Bago pa ito mangyari, nakahukay din ang aking kasama ng dalawang buong palayok na sinasabing hindi karaniwang porma sa Thailand. Ang bato at mga palayok ay humigit kumulang nasa 2,000 – 4,000 taon gulang na, o nasa tinatawag nilang “Neolithic Period”. Ito ang panahon kung saan yumayabong at napapabuti ang teknolohiya ng mga tao noon.

Nang aking mahukay ang nasabing bato, maraming mga basag na palayok ang nakapalibot din kalapit nito. Kukunin na sana namin ang lalim ng mga palayok na ito at kasama na rin ang batong ito na aking napagkamalang palayok din dahil sa halos kaparehong kulay na itim at may nakadikit pang lupa. Mahirap itong makilala sa unang tingin. Nang akin ng pinulot, ako ay nagtaka kung bakit ito pino at makinis, hindi isang karaniwang paglalarawan sa mga iba’t ibang palayok na aming nahuhukay ng mga ilang araw na. Aking sinubukang tanggalin ang lupa gamit ang aking mga daliri at nagulat ako sa kanyang porma na halos katulad ng mga batong nakita namin sa Thungwa Ancient Elephant Museum.

Ang mga makinis na batong ito ay sinasabing ginagamit ng mga sinaunang tao noong panahong hindi pa uso ang metal. Karaniwan, ito ay ginagamit upang pakinisn at pagandahin ang ukit ng kahoy. Ang mga kahoy na ito ay maari rin nilang ginamit sa pagputol o pagtabas ng mga puno o troso na posibleng ginamit din sa pangangahoy, paggawa ng bangka, bahay at kung ano pa. Ang paggamit ng mga batong ito ay sinasabing kaakibat din ng paglago ng agrikultura ng mga lugar kung saan makikita ang ebidensya na ito.

Sa Pilipinas, meron din tayong ganito. Isa sa mga sikat na archaeological site ay ang Ille Cave, mas malaki sa KTC site. Bisitahin ang website para makuha pa ng karagdagang impormasyon: http://www.solheim-foundation.com/Online%20Articles/Ille_Adzes.pdf

Categories: Uncategorized
  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: