Home > Uncategorized > Pagpapahalaga sa Kasaysayan at Kultura

Pagpapahalaga sa Kasaysayan at Kultura

Can archaeology save people from mining?

Isa sa pinakamalaking balakid ng archaeology sa Pilipinas ay ang kakulangan ng ating gobyerno upang ‘gamitin’ ito para sa ikabubuti ng bansa. Ito ang natutunan ko sa artikulong isinulat ni Thanik Lertcharnit, kung saan pinag-usapan ang kasaysayan ng Cultural Resource Management sa Thailand. Naging napakahalagang instrumento ang kanilang mga naging lider upang palaganapin ang kamalayan ng mga Pilipino bakit mahalaga ang mga artifact upang palaguin ang nasyonalismo.

Maraming matututunan sa pinagdaanan ng Thailand. Noong panahon ni King Rama IV, upang masuportahan ang lumalagong relasyon sa ibang bansa, inayos ang mga monumento at makasaysayang lugar. Magandang estratehiya ito para makilala at maibabahagi ang kultura ng komunidad. Kay King Rama V naman naitayo ang kauna-unahang museo sa kanyang palasyo mismo at sinimulang maibalik muli ang mga artifact. Sa pagtatag ng kanilang Fine Arts Department, nagkaroon din ng mga kolaborasyon ng mga patungkol sa kultura at kasaysayan ng Thailand. Subalit marami pa rin namang kailangan ayusin sa kanilang sistema. Laganap pa rin ang pagnanakaw sa mga archaeological sites. Bukod pa dito, kulang din ang mga nag-aaral ng disiplinang ito kung kaya’t may mga pagkakataong mababa ang antas ng nagagawa ng isang dapat na sistematikong paghuhukay.

Maraming nasabi na mga rekomendasyon na maaari nating pagtuunan din ng pansin. Magiging mulat ang komunidad ng mga nag-aaral at mga gumagawa ng archaeology kung magiging seryoso tayo sa pagkonekta sa mga internasyonal na mga pangyayari. Kailangan din palaguin ang edukasyon kahit simula sa elementarya pa lamang at ikwento ang kasaysayan hindi lamang sa pagkadating ng mga kolonyal na bansa. Importante rin na bukod sa panahon ng paghuhukay ay pag-iisipan na kung paano tuloy0tuloy lang ang interaksyon sa lokal na komunidad. Kailangan din mapayabong ang mga museo at gawing mas nakakapananyay at naiintindihan ng mas nakakarami sa pagprepresenta nito.

Kung may “political will” ang mga nagpapatakbo ng bansa, maraming magagawa upang malagpasan ang mga pagsubok ng ating disiplina. Gaya ng sinabi ko, marami ring matutunan sa mga karanasan ng Thailand. Kung ipagsasama-sama ang ating mga kwento patungkol sa archaeology, siguradong marami tayong malaman paano maprotektahan ang kasaysayang nabaon na at hindi dapat malimutan.

KAL

About these ads
Categories: Uncategorized
  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: